The Diary Game Season 3, May 03,2021 / Kakilabot na pangyayare

in Steemit Philippineslast month (edited)

Hello po steemit philippines family, kamusta kayong lahat? I hope na safe at okay kayo.

Gusto kopong ibahagi ang aking kakilabot na experience nitong mga nag daang araw dito sa lugar ng aking mga magulang. Araw araw simula ng dumating ako dito sa kanila, madalas akong tawagin ng aking mommy ng 'wel!' dahil may mga iuutos sya or sasabihin at ako naman ay agad agad ding lalapit at sasagot ng 'mommy, anu yun?'. Nitong sabado May,01 bandang magtatanghali habang ako'y nagluluto ng aming tanghalian, panay tawag saaken ni mommy ng 'wel! wel!' siguro mga limang beses nya akong tinatawag. Dahil nasa kalagitnaan ako ng aking pagluluto, inutusan ko ang nga anak ko na puntahan nila si Lola nila para tanungin kung bakit dahil hindi pa ako tapos magluto. Pagbalik ng dalawang anak ko sabe nila hindi naman daw ako tinatawag ni mommy. Iniisip ko baka guni-guni ko lang dahil pagod ako at sobrang init nung araw na yun, tirik ang araw. So ipinagpatuloy ko ang aking pagluluto, maya maya narinig ko nanaman si mommy tumatawag ng 'Wel!' dalawang beses kaya iniwan ko saglit yung niluluto ko at dali-dali akong lumabas ng pinto. Pag labas ko wala si mommy samay pintuan nila dahil parang doon banda ang narinig kong boses nya. Pagkatapos nung papasok na ako ule sa loob ng bahay narinig ko sya ule tumatawag ng 'Wel!' pero doon kona sya narinig sa bahay ng aking Kuya. Kaya umikot ako sa kabila para tingnan si mommy ko doon dahil iniisip ko baka may ipapatulong syang kukunin or bubuhatin pero pagpunta ko sa labas ng bahay ng aking kuya eh wala naman si mommy ko doon. Sarado ang bahay ng aking kuya naka padlock dahil maaga sila ng anak nya umalis. Ang ginawa ko pinuntahan kona talaga si mommy sa bahay nila para tanungin na kung tinatawag nya ba talaga ako. Kinilabutan ako nung sinagot nya saaken, hindi kita tinatawag and busy ako sa loob. Nagsi tayo ang mga balahibo ko habang kinukwento ko sakanya na ilang beses ko sya naririnig na tinatawag nya ako at hindi ako pwedeng magkamali dahil malakas at klaro talaga ang pagkaka tawag nya saaken ng 'wel!'.

inbound3993540380100125939.jpg

Pagkatapos doon na nag kwento na silang dalawa ni Addy (aking Ama) na naka experience nadin daw si mommy na naririnig nya si Addy tinatawag sya pero hindi naman pala. At nagsabe din sakanila ang aming mga kapit-bahay na itong tinatayuan ng bahay ay dating puro mga malalaking puno ang nakatanim dito at meron din maisan. Sa likod ng bahay ay may dating mag asawang manggagamot na matanda na nakatira. At pareho silang doon namayapa.

inbound3944517568243591826.jpg

Dito sa aking picture yung likod ng bahay nila mommy, nag decide kame nag magpa usok ng incense at kamangyan at mag offer ng prayer. Mabuti nalang natandaan ko mga turo saaken ng eldest sister ko na habang mag offer ng sincere prayer ay kausapin ko din yung mga hindi naten nakikita. Kausapin sila na hindi na nila ito lugar, hindi na nila ito realm. Realm na ito ng mga buhay kaya pumunta na sila kung saan sila dapat. At unfair naman saaten na hindi naten sila nakikita tapos mananakot sila or kung ano man pakay nila.

inbound5511844154381131872.jpg

inbound8622725203863912286.jpg

Naniniwala kasi akong kapag magpapausok ka ng incense namay kamangyan, mag saboy ng asin habang mag offer ng prayer, mawawala sila. Kasi ilang beses ko na ito na experience sa mga dati naming nirentahang bahay.

inbound7885276071803731420.jpg

inbound3640722706841136118.jpg

Ito ang insenso at kamanyang na ginamit ko sa pagpapa usok, ang insenso ay nagpapalinis ng lugar at ang kamanyang naman ay pra tawagin ang mga hindi natin nakikita para kausapin sila na hindi na nila ito lugar.

At ito naman ang aking Juzu 'Beads' ginagamit ko ito araw-araw sa morning and evening prayer namen as Budhhist.,

inbound5376718346872581196.jpg

Hanggang dito na lamang po ang aking kakilabot para saaken na pangyayare. Salamat po.

Maraming salamat po @steemphcurator at @steemitphilippines sa napakaganda at malikhaing community

inbound4777827902835729491.webp

Sort:  
 last month 

Naexperience din namin to dito sa bahay namin and compound. Naririnig ko boses ng asawa ko tinaatwag nya ako pagpunta ko sa labas hindi naman pala niya ako tinatawag. Si nanay din na aming biyenan ay ganun din. Nasa loob siya ng bahay lalabas siya dahil akal niya tinatawag ko sya pagkalakas lakas daw ng boses kaya talagang mapapalabas siya at ako ganun din sa kanya akala ko tinatawag nya ako. Pati anak ko minsan bababa galing sa taas at naririnig daw nya akong tumatawag sa kanya eh sabi ko hindi naman. Nung sobrang halos sa isang araw and linggo palagi na kaming parang pinaglalaruan nagpapausok nadin ako ng kamangyan at incense. Kaya naging gawain ko na na kapag first Sunday, first Friday or kahit sa mga ordinaryong araw nagkicleansing ako sa buong compound namin. Nagpapausok at nagsasaboy ng asin habang nagdadasal at kinakausap sila. So far naman, nawala sila at natahimik na sa lugar namin.

 last month 

Kaya nga po ate sinunod ko yung payo mo.. thankyou so much sobrang naka tulong talaga.

 last month (edited)

True, kaya prayers lang talaga ang kailangan nila sa atin.

 last month 

Yes po mommy 🙏

Nanindig ang mga balahibo ko omg,tama lng yung kausapin mo cla at makiusap na wag nakayo gambalain pa kasi nga ang mga patay ay para sa mga patay.

 last month 

Totoo po sis, kelangan wag tayo magpadala sa takot nila kahit na nakakatakot hahahaha

 last month 

Nakakatakot naman ate, dito sa amin din. Ganyan din dito.. minsan nga nakikita namin ang tao na biglang lilitaw at biglang mawawala. Yung pinsan ko nakakita ng babaeng nakalutang dito sa amin.

 last month 

Hala bigla naman akong natakot sa comment mo kuya @jb123 hahaha matutulog na nga ako 😅

 last month 

Opo ate, totoo ponang sinabi ko. Ganyan dito sa probinsya namin. Pero sanay na kami.

 last month 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 last month 

Im so happy po thankyou so much & blessed us all 🥰

 last month 

Katakot naman. Maraming salamat po sa pagbahagi.

 last month 

Warm welcome po @steemitphcurator and maraming salamat din po 🥰