The Diary Game Season 3/Act of Kindness (06-24-2021) | Ang Aming Panibagong Feeding Mission for the Kids Ngayong Buwan nang Hunyo 2021

in Steemit Philippines3 months ago

Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat!!!

Isa na namang panibagong Feeding Mission for the Kids ang naisagawa namin ngayong buwan nang Hunyo 2021 kahit na meron pa rin tayong nararanasang pandemya sa mga panahong ito. Kaya sa araw na ito, ibabahagi ko ang aking #actofkindness post upang maibahagi namin ang aming karanasan papunta at sa pagsagawa namin nang gawaing ito.

image.png

Itong panibagong Feeding Mission nga namin sa araw na ito ay naka schedule na kaya binigyan talaga namin ng panahon na ito upang marami sa amin na mga volunteer ang makasama at makatulong. Kaya mga nasa oras na 5:00 nang umaga ako nagising sa araw na ito para makapagluto at makapaghanda nang maaga at natapos nga ako at nagawa ang lahat nang mga dapat kong gawin bago ako umalis nang mga nasa oras na 7:00 nang umaga at umalis nga din ako mga nasa oras na 7:20. Mga ilang oras nga din ay nakarating lang din ako sa Barangay na pagdadausan namin nang Feeding Mission kasama nang aking mga kasama mga nasa oras 8:10 nang umaga pero maglalakad pa kami mga 40 minuto sa lugar talaga na aming pagdadausan nang Feeding Mission namin.

Ngayon oras na nang aming paglalakbay papunta sa lugar na aming pagdadausan nang Feeding Mission at medyo mahirap nga ang aming paglalakbay ngayon dahil medyo marami kaming mga dala tulad na lamang nang bigay, mga sangkap para sa Spaghetti at sa Fried Chicken at medyo mabibigat ang mga ito.
Hindi madali ang pagdadala namin sa mga ito dahil nga sa hindi din kami gaanong sanay sa lakarang malayoan pero sa tulong nang Dios ay gagawin namin ito at sa Dios din naman ang lahat nang lakas na nasa amin. Sa paglalakbay nga namin ay meron kaming mga kasama na sumama ang pakiramdam at medyo nahilo dahil hindi sanay at siguro dahil din sa napaka init nang panahon at sa bigat nang aming mga dinadala.

Mga ilang minuto nga ay nakarating na rin kami sa lugar kung saan kami magsasagawa nang Feeding MIssion at nagpapasalamat kami sa Dios dahil nakarating din kami nang ligtas at kahit na nakakapagod ay masaya parin kami dahil sa pagdating namin ay meron nang mga taong naghihintay sa amin. Kaya agad-agad din kaming nagumpisa sa mga gagawin namin tulad nang pagluluto nang Spaghetti at Fried Chicken kasama nang kanin dahil medyo marami din ang lulutuin namin. Ang iba naman naming mga kasama mga kabataan ay inasikaso ang mga bata kay nagsagawa sila nang mga laro, sayaw at pagkanta para ma aliw ang mga ito.

image.png

Matapos ang ilang saglit ay oras na upang magbahagi nang salita nang Dios ang aming Pastor upang maturoan ang mga bata nang salita nang Dios at pati na rin sa mga iilang mga magulang na naroon upang mabantayan ang kanilang mga maliliit na mga anak.

Habang nagsasalita nga ang aming Pastor ay tahimik na nakikinig ang mga bata at pati ang kanilang mga magulang at ang tanging dalangin lang namin ay ang lahat nga mga salita nang Dios na ibinahagi nang aming Pastor ay maintindihan nilang lahat kasama nang ma bata ang mga iilang mga magulang dahil ang lahat nang mga ibinahagi nang aming Pastor ay para makapag bigay lakas at paniniwala sa Dios lalong lalo na ngayong meron pang pandemya.

Ngayong natapos na ang aming Pastor sa pagbabahagi nang salita nang Dios, oras na rin upang makakain ang mga bata dahil oras na rin nang pananghalian at salamat sa Dios dahil sakto lang din na natapos kami sa pagluluto kaya inihanda na rin namin ang mga pagkain para sa mga bata. Ilang sandali lang din ay oras na upang makakain ang mga bata, mga magulang at para na rin sa aming lahat.
Nagpapasalamat lang din ako sa Dios dahil ang aming inihanda para sa mga bata at pati na rin sa mga magulang at sa amin na rin ay sobra sobra pa kaya busog na busog ang lahat nang mga bata at syempre pati na rin ang mga magulang at kami rin. Dahil nga sa marami pa ang mga natira ay nakapag dala pa kami nang iilang at nakapag bigay pa sa ibang mga magulang at yong gusto pang magpadagdag.

Dahil nga sa medyo nakita namin na dumidilim na ang kalangitan ay napagpasyahan na naming mag simula nang maglinis at mag-ayos at para maka uwi na dahil medyo malayo pa nga aming paglalakbay muli pa uwi pero mas maayos na ngayon dahil hindi na mabigat ang aming dinadala kaya medyo madali din kaming nakarating sa sentro at naka uwi na rin kaagad sa aming mga bahay bahay.

Talagang labis ang aming pasasalamat sa Dios dahil naging matagumpay ang aming Feeding Mission sa araw na ito magmula sa pagpunta namin, pag-aasikaso at hanggang sa pag-uwi namin. Nagawa namin itong lahat dahil sa lahat nang tulong nang Dios at biyaya na ibinigay nang Dios sa amin sa araw-araw at ito lang ang tanging magagawa namin para sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  

This post has been supported by A Dollar A Day administered by @pennsif...

 3 months ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja