Steemit Philippines Open Mic Week #3 Contest | Kapag ako ay nagmahal by Jolina Magdangal | 20% to steemitphcurator

in Steemit Philippineslast month

Magandang Araw po sa inyong lahat lalo na kay nanay @olivia08 who initiated this contest. It's my 1st time to join this contest and I am so glad to be part.😊

Ang kantang napili ko ay nag titulong Kapag ako ay nagmahal by Jolina Magdangal. Siya po ang orihinal at pinalabas nuong 1998. Si Jolina po ay isang sikat na aktress at singer. Marami na pong singers ang kumanta sa kantang ito na may iba't ibang bersyon. Yung mga singers na iyon ay sina,
Juris Fernandez, Morisette Amon, Yeng Constantino and many more. They made their own version of the song to make it unique.

Napili ko ang kantang ito dahil sa taglay nitong tono na talagang masasabi mong ito ay OPM. Yung tono kasi ay naka LSS at ramdam mo talaga ang mensahe ng kantang ito. Ang lyriko din ng kanta ay maganda ngunit hindi lang ako nakaka relate. Ang kanta ay nagsasaad na gagawin nya lahat kahit pa man sya ay masaktan, ganyan siya magmahal. Masasabi nating may mga tao talagang ganito pero alam natin na hindi ito mabuti. Kapag tayo ay nagmahal, dapat hindi lubus.lubusan na talagang ibibigay mo lahat sa isang tao. Dapat tayo ay magtira rin sa ating sarili sapagkat lahat ng bagay ay posibleng mangyari sa isang relasyon. Pwede na tayo ay iiwan sa ere ng ating minamahal at dun na papasok ang depresyon dahil lahat ay ibinigay natin. Totoo man o hindi ang mesahe ng kanta ay masasabi talaga natin na hindi dapat tularan. Hindi masama ang magmahal, ang masama doon ay kung sobra na ang ibinigay mo na pagmamahal sa isang taong hindi kayang sumukli sa pagmamahal na ibinigay mo. Hindi natin maaaring masiyahan ang lahat ng tao kung kaya't tanggapin nalang natin ang mga mangyayari sa ating buhay.

At yun lamang po para sa aking entry sa patimpalak na ito . Maraming salamat at magandang araw 🙂.

Kapag Ako Ay Nagmahal Lyrics

Ibibigay ang lahat-lahat
Handa kong gawin
Lahat ng 'yong hiling
Sukli man ay sugat sa puso

Karamay ka
Sa hirap at saya
Masaktan mo man
Damdamin ko
Ako'y nandyan parin sayong tabi

Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito'y magagawa
'Di magbabago, 'di maghahangad
Ng anumang kapalit
Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako hindi ko ito ikakahihiya
Handa akong magtiis
Kapag ako, kapag ako ay nagmahal

Sa 'yo lamang
Iikot aking mundo
Sa 'ki'y bale wala
Sasabihin ng iba
Basta't alam ko
Mahal kita

Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito'y magagawa
'Di magbabago, 'di maghahangad
Ng anumang kapalit
Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako hindi ko ito ikakahihiya
Handa akong magtiis
Kapag ako, kapag ako ay nagmahal

source: https://www.lyricsondemand.com/j/jolinamagdangallyrics/kapagakoaynagmahallyrics.html

Sort:  
 last month 

ang ganda na entry!

 last month 

Salamat po 😍

 last month 

Maraming salamat sa pagsali sa patimpalak na ito. Good luck!

 last month 

Yes po nanay, salamat po 🙂😊

Loading...
 last month 

Nice voice at ang song maganda

 last month 

Salamat po 😊

 14 days ago 

Kapag Bisdak tlaga ang gaganda ng boses. I love your version sis. Ganda!

Coin Marketplace

STEEM 0.44
TRX 0.08
JST 0.058
BTC 48375.83
ETH 4073.04
BNB 541.56
SBD 5.73