HUGOT CONTEST | ENTRY : Pochero Ala Sheshe with Feelings.

in #hugotcontest โ€ข 3 years ago

Magandang Araw mga kapwa ko Steemians! Namiss ko kayo ๐Ÿ˜Š Matagal tagal din akong di nakapagsulat. at tamang tama ang pagbabalik ko dahil may hugutan palang nagaganap lol! wag na nating patagalin pa dahil habang tumatagal mas lalong sumasakit. ๐Ÿ’”๐Ÿ˜‚

Una, ihanda ang mga gagamiting sangkap tulad ng baboy, kamatis, repolyo, saging, baguio beans, paminta, asukal, knorr cubes at sibuyas. Ang Daming sangkap diba? kasing dami ng pinalit nya sayo. ๐Ÿ’”
33100507_1292858084149918_829436275952975872_n.jpg

Mag umpisa na tayong magluto beshiwa. Una sa lahat! wag na wag kang maghabol
hindi ka aso. Baboy ka! ๐Ÿ˜…#foodislife
Hugasan mo na yung katawan mo este yung baboy pala โœŒ๏ธ๏ธ๐Ÿ˜‚
33036600_1292858404149886_2293283244939935744_n.jpg

Sunod, hiwain mo na besh yung kamatis. putulin mo na! kesa maging parang kamatis ang relasyon nyo. relasyong puro Kama at tiis ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚
33216358_1292858037483256_4736246460922724352_n.jpg

Ang susunod mo namang hiwain ay ang sibuyas. At dahil takot at pagod ka ng lumuha ulit. Mag Helmet ka na! Walang masama maging overprotective sa sarili lalo na pag paulit ulit ka ng nasasaktan. ๐Ÿ˜”
33128429_1292858017483258_5298154262004498432_n.jpg

Pagsama samahin ang Baboy kamatis sibuyas sa isang Kaldero. At lagyan ng isang basong tubig. Parang puso ng ex mo! Tu-Big kaya kasya ang tatlo ๐Ÿ™„๐Ÿ˜’.
33043194_1292858377483222_9065339170464989184_n.jpg

Pakuluin hanggang sa mawalan ng sabaw. patutuyuin mo sya besh! kasing tuyot ng feelings nya sayo! ๐Ÿ’”

P.S nasunog ko. di ko nabantayan ng ayos. alam ko mapapatawad nyo din ako. kasi madali lang magpatawad pero sobrang hirap makalimot. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ’”
33021325_1292858357483224_4327590738004017152_n.jpg

haluin mo besh! Igisa mo sya. habang ginigisa pilitin mong wag ng maalala yung mga panahong pakiramdam mo Nag Gigisa ka nalang sa buhay ๐Ÿ˜ญ
33126635_1292858344149892_3298913205522268160_n.jpg

lagyan mo ng tubig beshiwa pag durog na durog na yung puso mo este yung kamatis pala! โœŒ๏ธ๏ธ๐Ÿ˜‚

33076838_1292858257483234_1354978219572330496_n.jpg

Ilagay mo na yung Repolyo.
Repolyo para sa ex mong takbo ng takbo! magka Polyo sana ang Hay*p!
33091366_1292858187483241_4464555836324184064_n.jpg

Sunod mong ilagay ang baguio beans at saging.
Siguro yung lumandi sa ex mo unggoy no? sabik kasi sa saging! ๐ŸŒ๐Ÿ™„
33031299_1292858164149910_3155736699728822272_n.jpg

Pagluto na ang mga gulay. Tanggalin mo na sila besh baka masobrahan sa luto. Wala naman talagang masama sa pagmamahal ng sobra, basta ba wag lang magmahal ng sobra sa isa. Pakipaalala yan sa ex mo besh! ๐Ÿ™„
33057532_1292857957483264_1263740156288958464_n.jpg

Ilagay mo na yung knorr cubes paminta at asukal. oo sabay sabay! pag nahihirapan ka. ipagawa mo sa ex mo! expert yon sa pag sabay sabay. ๐Ÿ˜ค
33030762_1292857974149929_7439709403437072384_n.jpg

tapos pakuluin mo. hayaan mo lang sya mag init kasi darating ang panahon na manlalamig yan sayo. Tapos tikman mo. Pag nasarapan ka, okay na yan! Pero wag mong iiwan ha. Wag mo tularan yung hinayupak mong ex! Pagtapos kang tikman bigla ka nalang iniwan! ๐Ÿ’”
33058652_1292858217483238_4797244716036915200_n.jpg

At ito na sya! Pochero Ala Sheshe with Feelings โค๏ธ๐Ÿ˜‚. Muka syang di masarap. di kasi maganda ang pagkakaayos. pero subukan mong lasahan. kilalanin mo muna. wag ka bumabase sa itsura. kaya ka madalas maloko e. puro mata kasi ginagamit mo. gamitan mo ng puso besh! wag puro pogi ang hanap ๐Ÿ˜‚โœŒ๏ธ๏ธ
33083987_1292858124149914_2034267167616139264_n.jpg

wala ka bang maibaon? o walang bumabaon? Humugot ka nalang!HAHAHA! LOL ๐Ÿ˜‚ Halika na't sumali sa timpalak na bida ang mga hugotera at hugoterong tulad natin! Thank you @lhyn sa nakakaaliw na patimpalak mo na ito. sana manalo ako lol HAHAHA
https://steemit.com/hugotcontest/@lhyn/hugot-contest-10-sbds-up-for-grab

Maraming salamat sa pagbabasa!

DQmQC1Pj8f97Kpgp1YgkCBGyNWVkNkEq6LHaRuch99DiDgi.gif

PHILIPPINES: 21st of May 2018. Monday

Sort: ย 

.ahahaha grabe ung pochero.. mas malala pa pla sa pagluluto nang adobo..ahahaha

wala ng mas lalala pa kay ex lol Haha!

Na enjoy namin yung HUGOT sa pagluluto ang galing!

salamat @tagalogtrail!๐Ÿ’‹ yung ex ko magaling din! magaling manloko ๐Ÿ™„๐Ÿ˜‚

Entered! Good Luck! ^_^

Congratulations Hugot Princess for winning the 2nd Place! ^_^ hanggang sa muli. Maraming salamat po! c",)

Naloka ko sa kamatis "kama - tiis". Ang galing galing nyo po.