#ULOG 02:Salamat, Mahal Ko!!!

in #ulog3 years ago

Maha Kong Tigyawat


Mahal kong tigyawat,
Nais kong ikaw ay mawala na sa aking buhay.
Nais kong mula saking mukha
Ikaw ay maglaho
Tama na siguro ang matagal mong pamamarati
Dito sa aking pisngi , noo at ilong
Subalit hayaan mo kong pasalamatan kita
Nung mga oras na tuwing gabi, akoy lumuluha
Susulpot ka na lang bigla tuwing umaga
Wari bang pinahihiwatig na sige umiyak ka lang
Hindi kita iiwan mag isa
Hindi mo nga ako iniiwan mag isa
Nagtawag ka pa ng iba mo pang kasapi,
Upang sa akin ay may dumamay
Sa ibat ibang parte ng aking mukha kayo ay nag sulputan
Kung anu anong pamahid ang ginamit ko upang kayo ay ipagtabuyan
Ngunit bakit ganun?
Hindi ata kayo naapektuhan
Dinagsa nyo ang aking malambot na pagmumukha
Sa mukha ko ay hindi na kayo nagsawa
Kapag kayo ay aking tiniris (WAAAAHHH)
Lalo ng hindi nawala
Naaakit ako sa tuwing makakakita ng mani
Ngunit naalala kong baka lalo kayong dumami
Sa aking balat maging isa ng permanente
Natatakot akong maging bako bako ang aking pisngi
Mali naman kasi ang iyong pagdating
Sumusulpot kayo nung ang aking krasss ay akin ng makakapiling
Yung totoo tigyawat
May lihim ba kayong pagtingin sa akin???
Hindi kita kinakahiya
Tingnan mo nga ginawan pa kita ng tula
Pero sana lumugar ka nman
Dun sa lugar na ang kagandahan koy hindi maapektuhan
Upang kapag si krasss ay magdaan
Hindi ka namumula kapag kilig na ang aking nadarama
Panira ka kasi
Mas mapula kapa kaysa sa aking pisngi
Pero gusto kitang pasalamatan
Nandiyan ka nung mga araw na palagi akong luhaan
Nakakainis man sapagkat bigla na lang kayong nag sususlputan
Pero salamat tigyawat
Dahil nandyan ka nung panahong
Palagi na lang akong iniiwan at sinasaktan.

Kung kayo poh ay may hugot s buhay o kahit s patay na nais ibahagi.. maaari rin poh kayong sumali s munting patimpalak ni @lhyn
https://steemit.com/hugotcontest/@lhyn/hugot-contest-10-sbds-up-for-grab

thank you for dropping by!!!!

Sort:  

wahahaha
relate much...
upvote for you.

..ahahaba salamuch

Mahalin mo rin kasi mga tigyawat mo saka eye bugs nang sa gayon iwanan ka rin nila haha. Naaakit ako sa tuwing makakakita ng MANI haha oo naman kami man.

..ahahahaha ang dami kong cnbi s mani k tlga nakatutok..ahahaha

musta na kayo

Bro busy ka na sa baranggay ngayon hehe. Congrats nga pla.

san nyo nasagap yang balita na yan wahahaha... matagal pa pag upo kaya d pa ko busy

Haha sa facebook bro. August ka pa pala uupo. Humayo kayo at magparami ganda plataporma mo bro haha.

wahahahahaha nga nga... sabi ko nga eh
maraming salamat sa pag tanggap nyo ng 500pesos at binoto nyo ko...
wala na po kayong maasahang dagdag na mag mumula saakin...
ipinangangako po po mag mamabawi muna ko sa mga ginastos ko wahahahaa.

Haha kapag kalaban mo nakaupong mayor mahihirapan ka mabawi yan. Sumipsip ka rin dapat sa mayor haha

E syempre pampatalino yan ikaw pala e haha. Madami din kasi akong tigyawat kapag pinisa ko may sumasabog na nana haha angara ng katas.

Try mo nga kaya mahalin tagyawat mo @ahna8911?! Malay mo nga iwan ka na nang tuluyan
Magaling talaga itong si idok 2k. Haha. Mani pa morre! 😅😅

..ahahaha minamahal ko nga poh..kaya nga ginawan ko nang tula..ahahaha balang araw iiwan din ako nito mam @arrliinn

Girl i feel you😍😍😍

Entered! Good Luck! ^_^

awwweeeee sis aba eh kasakit nga nyan! nag iiwan pa nga sila ng balat ahaha