"Word Poetry Challenge #3". Tema : "Gintong Medalya" | Tagalog Edition

in #wordchallenge3 years ago (edited)

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Gintong Medalya"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Gintong Medalya"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Gintong Medalya". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - $10

1st runner-up - $5

2nd runner-up - $3

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong May 24, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa May 24, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay si : @jazzhero


Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Sort:  

Good luck sah mga sasali sayang hindi ako makata!

Kaya iyan! Lahat tayo ay may angking husay sa larangan ng pagsulat kapatid.

Hindi lang ito para sa makata @steemtoni22. Ito'y bukas sa lahat ng Pilipino. Maging makata man, o nagnanais maging makata, ang importante may kasiyahan sa bawat gawa :)

Hahahahahaha ou nga salamt sa pagmotivate sa akin @jassennessaj astig ka talaga! Sana magkita tayo ng personal. XD

Kuya may itatanong lang sana ako hehe. Ang tema na gintong medalya ba ay Word Poetry Challenge #2 or #3 kasi po sa Panuntunan nakasaad na ang dapat na pamagat ay "Word poetry challenge #2" habang sa unang bahagi ay nakalagay na "Word poetry challenge #3| Gintong medalya"?

Nagkamali na naman ako haha. Maraming salamat @kaths. Ito'y na edit ko na.

Kuya pwede magtanong? Yung tema po kasi nalilito ako kung huling sayaw ba o gintong medalya😅

Maraming salamat @panpandacoco sa pagpuna. Ito'y na edit ko na.

Gusto ko po sumali pero may katanungan lamang po ako. Ilang stanza po ba ang dapat sa tula?

Sir @jassennessaj ito po ang aking entry para sa pangatlong patimpalak ng word poetry challenge.
https://steemit.com/wordchallenge/@jumargachomiano/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya

Salamat sa patimpalak na ito @jassennessaj. Ito ang aking ginawang tula base sa tema:

https://steemit.com/wordchallenge/@emdesan/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya

Magandang umaga mga kapwa ko makata
Ito ang aking entry para sa patimpalak na ito sana ay inyong maibiganhttps://steemit.com/wordpoetrychallenge/@khylled24/wordpoetrychallenge-3-gintong-medalya

Ito po ang aking entry sa patimpalak na ito. Maraming salamat po, at mabuhay po kayo!

https://steemit.com/wordchallenge/@chinitacharmer/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya

Ako ay natuwa ng aking makita
Isang artikulo ng paligsahan sa paggawa ng tula
Nais kung lumahok sa patimpalak
At sana ay manalo ng ako ay magalak.

Ito po ang aking entry Ginoong @jassennessaj, maraming salamat para sa patimpalak kabayan
https://steemit.com/wordchallenge/@cradle/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya

Sinusubukan ko ang aking kakayahan sa paggawa ng tula at ito ang aking obra para sa tema - “ Gintong Medalya” Salamat sa pagkakataong ito @jassennesssaj
https://steemit.com/wordchallenge/@jap60/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya

Magandang araw mga ginoo at binibini. Narito po ang aking akda para sa ikatlong patimpalak.

https://steemit.com/wordchallenge/@jerylmaeada/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya

magandang gabi po kabayang @jassennessaj. heto po ang aking opisyal na tula para sa iyong inanunsiyong patimpalak : https://steemit.com/wordchallenge/@nantzjbalayo/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya

maraming salamat at mabuhay ka!

gustong gusto ko po talaga sumal isa sa mga patimpalak pero laging kapos sa oras at pagod na. pagpasensyahan nyo po sana ito

https://steemit.com/wordchallenge/@beyonddisability/word-poetry-challenge-3-gintong-medalya

sayang hindi ko nakita tong post nato, ngayon lang..haay sayang.. goodouck sa lahat

Magandang gabi po Ginoong @jassennessaj, ito po ang aking likha para sa ikatlo ninyong patimpalak "Word Poetry Challenge #3". Tema : "Gintong Medalya"